Kaguluhan sa ARMM pinangangambahan

NANGANGAMBA ang isang kongresista na posibleng mauwi sa karahasan sa Mindanao ang naging desisyon ng Korte Suprema na pumapabor sa pagpapaliban ng eleksyon sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) at pagtatalaga ng Pangulo ng mga officer-in-charge (OIC) doon.

Sinabi ni Bayan Muna Rep. Neri Colmenares na maaaring hindi matanggap ng mga taga-ARMM ang itatalaga ng Pangulo na gobernador at iba pang opisyal ng ARMM.

Ito rin aniya ay posibleng magresulta sa pagkasira ng awtonomiya sa ARMM dahil ito ay papasailalim na rin sa kontrol ng Palasyo.

Nais din ng mambabatas na huwag munang magtalaga ng OIC sa ARMM kahit pa kinatigan ng Korte Suprema ang pinagtibay na batas para dito.

Ayon pa kay Colmenares, masyadong dikit ang 8-7 na boto sa legalidad ng Republic Act 10153 at malaki ang posiblidad na mabaliktad pa ito sa oras na maghain ng motion for reconsideration, dahil dito, imumungkahi umano ng kongresista na ituloy na lamang ang eleksyon sa ARMM dahil nakahanda naman ang Comelec kahit sa mano-maong proseso nito.

Samantala, naniniwala naman si House Speaker Feliciano Belmonte na magagawa na ng Pangulo ang mga reporma sa ARMM dahil sa desisyon ng Korte Suprema kahit pa magtalaga ito ng OIC.

Idinagdag pa ni Belmonte na kahit na may OIC na sa ARMM ay maari pa rin namang maghain ng motion for reconsideration si House Minority Leader Edcel Lagman na siyang petitioner sa kaso.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply