Kahandaan sa kalamidad kulang na kulang pa!

NITONG nakaraang mga  araw, kaba sa dibdib ang namayani sa mga Pinoy dahil sa pagragasa ng  super-bagyong “Quiel” at ‘Pedring.’

Nagdala ang mga ito ng malakas na hangin at ulan na naging dahilan na naman ng pagbubuwis ng buhay at pagkasira ng mga ari-arian.

Tulad ng nakaraang kalamidad, hindi maitago ng ilan nating mga kababayan na punahin ang kahandaan ng pamahalaan.

Marami sa taga-Metro Manila ang nakulangan sa kahandaan ng gobyerno sa pagdaluyong  nina ‘Perding’ at ‘Quiel’.

Ngunit higit ang galit ng mga taga-Calumpit at Hagonoy sa Bulacan, ganundin ang karatig na mga bayan.

Dangan nga kasi, lubog na ang bubungan ng kanilang mga bahay subalit walang anino ng mga taga-gobyerno para sumaklolo.

Ang ating paumanhin kay Pang. Noynoy Aquino, pero – sa totoo lang – mabagal ang ‘reaction’ ng  Malacañang.

Nalulunod na ang mga Bulakenyo sa sobrang taas ng baha ngunit wala ka man lang marinig na anunsyo kung sila’y kumikilos.

Sa nakaraang mga pamunuan, ang Pangulo ay kaagad naririnig sa radio at napapanood sa telebisyon sa kanyang mensahe.

Ngayo’y walang Pangulo o kaya’y isang government official na nagbibigay ng mensahe sa kasagsagan nina Pedring at Quiel.

Para kasi sa mga kinakabog nang mga kababayan natin, ang mensahe ng Pangulo ay nagsisilbing pampagana o ‘pampalakas ng loob’.

Kung may dapat manguna sa mga opisyal ng pamahalaan pagdating ng kalamidad, ito’y walang iba kundi si  DSWD Sec. Dinky Soliman.

Pero ‘invisible’ ang babaeng kalihim na dapat sana’y nag-iikot at nagtatrabaho para sa mga na salanta ng baha.

Mabuti na lang, naging ‘visible’ at nagtrabaho si Metro Manila Development Authority Chairman Atty. Francis Tolentino.

Kundi kay Chairman Tolentino, baka lalong nanggagalaiti ang mga nasalanta sa Kamaynilaan at Bulacan.

‘Di natin kagustuhan ang bagyo dahil sa perwisyong dulot, ngunit darating at darating pa ang katulad nina ‘Pedring’ at ‘Quiel’.

Aminin nating tayo’y nagkulang sa paghahanda. Ngayon ang tanong, eh, nakahanda ba ang gobyerno sa darating pang mga bagyo?
Sana nga!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply