Kailangan sa isang opisyal ang delikadeza

TAMA lang at dapat papurihan ang ginawang pagsibak ni Presidential  Adviser Ronald Llamas sa dalawang ulol na tauhan nito na hindi sumunod sa kanyang mga utos na ibaba ang kanyang mga bigating armas at dalhin sa kanyang bahay.

Pinatunayan lang ng kalihim na kailanman ay hindi siya kunsintidor dahil wala sa bukabularyo niya ang pagtakpan ang kamalian ng mga tauhan nito.

Bukod pa roon ay open ang kalihim sa anomang gagawing imbestigasyon na balak sa kanya ng Senado dahil malinis ang konsensiya niya at hindi siya natatakot kahit kanino.

Ewan ko ba rito sa mga kritiko ng gobyernong Aquino kung ano mayroong  mga utak ang mga ito dahil kailan nga ba naging kasalanan ang pagkakaroon ng lisensyadong high-powered  firearms?

Eh mismong si PNoy ang nagpapatunay na mayroong banta sa buhay ng kanyang kalihim kaya normal lang na bumili ang mama ng mga matataas na kalibre ng baril.

Lalo’t mismo yung mga kriminal ay mas matindi pang mga armas ang gamit.

Sa puntong ito ay hindi isyu ang pagkakaroon ng AK-47 ni Llamas dahil pinalaki lang ito ng mga inggiterong pulitikong bumabanat sa kalihim.

Pagkakataon nga naman nilang magkaroon ng publicity mileage. Isa si Llamas sa
mga magagaling na opisyal  sa gobyerno ng Aquino.

LANTARAN ANG HUMAN TRAFFICKING

Uy, patuloy pa rin daw pala ang karumal-dumal na pagpapalabas ng nakahubo’t hubad na katawan ng mga kababaihan sa Metalica Disco sa Quezon Avenue, Quezon City.

Bukod pa rito ang pagbebenta ng mga katawan ng mga babae rito sa kanilang mga nagiging kostumer.

Lantaran ang human Trafficking sa club na ‘yan dahil ang mga katawan mismo ng mga babae ay ibinebenta sa mga kostumer.

Anomang reklamo mangyari ay i-text lang sa 09189274764, 09266719269 o i-email  sa juandesabog@ yahoo. com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply