Kakapusan ng bigas nakaamba

AABOT sa P50 million na ang halaga ng pinsalang idinulot ng bagyong Pedring at Quiel sa National Food Authority (NFA).

Sinabi ni NFA Administrator Lito Banayo na may mga nabasang bigas sa mga NFA warehouse sa Bulacan, Pangasinan, Nueva Ecija, Aurora, Isabela, Qurino at Bicol.

Bagamat, naagapan at may sapat pang ang suplay ang NFA ng bigas sa bansa, aminado si Banayo na posibleng maramdaman ang epekto nito sa susunod na taon.

Samantala, tiniyak naman ni Banayo na nakahanda ang NFA na magpautang ng bigas sa lokal na pamahalaan at Department of Social Welfare and Development para sa mga sinalanta ng dalawang magkasunod na bagyo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply