Kalalakihan mag-ingat sa senador na manyak at may pagka-bading

NAKAGUGULAT ang naging asal ng isang mambabatas na ito sa sesyon hall habang nagsasagawa ng debate o interpellation ang kanyang mga kasamahang mambabatas.

Akalain n’yo bang kitang-kita sa camera ni matang kuwago ng Remate ang pagsundot at paghawak sa puwet ng mambabatas sa kanyang kapwa mambabatas.

Kadiri naman si sir, ang pinakamalupit nito ay lalaki si sir at ang hinawakan at sinundot niyang puwet ay isang lalaking mambabatas din.

Hindi tuloy naalis ang pagdududa sa kasarian ni sir na baka isa na itong kabilang sa chickboy na puwede sa chicks at puwede rin sa boy. He he he!

Samantalang ang mambabatas na ito ay kilala ng lahat sa kanyang pagiging manyak o pagiging mahilig manghipo at mangurot sa iba’t ibang parte ng katawan, lalo na ng kababaihan.

Wala itong pinipiling lugar, maging sa hallway o elevator.

Ewan lang namin kung nabiktima na niya kayo kung hindi pa doble ingat at alisto kapag kasabay ninyo siya. He he he.

Alam ninyo ba na maging ang ibang nakikinig at nanonood sa debate at interpelasyon ay nagulat.

Mukha yatang nanggigil sir sa kanyang kapwa mambabatas o hindi na napigilan ang ano pa man.

Magara naman ang style ni sir. Obvious na obvious, kaya pati ang kanyang panliligaw este diskarte sa kanyang kapwa mambabatas na babae ay bistado at amoy na amoy ng marami.

Paalala po pala hindi sapat na batayan ang pagkakaroon ng anak, pamilya o asawa at girlfriend o kasintahan para masabing ikaw ay isang tunay na lalaki dahil ang iba ay miyembro nang ganap.

Ito na po ang clue: May letrang A as in akin ka na, ang kabuuan ng pangalan ng mambabatas pero kung lalaki o babae siya bahala na kayong humusga.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply