Kalbaryo sa kuryente mararanasan ngayong buwan

MAKARARANAS na naman ng panibagong kalbaryo ang mga Pinoy sa muling pagtaas ng singil sa kuryente ngayong buwan.

Magpapatong ng mahigit P0.14 kada kilowatthour ang dagdag singil sa generation charge ng Manila Electric Company (Meralco).

Sa paghuhugas kamay  ng Meralco, nagmahal umano ang presyo ng nabili nilang kuryente mula sa mga planta at spot market sanhi na rin ng apat na araw na pagkakasara ng Malampaya power plant.

Ngunit may pakunswelo naman ang Meralco sa mga konsyumer nito sa pamamagitan ng pagbibigay ng mas mababang distribution charge na tatagal ng hanggang July, 2012.

Samantala, nakatakda namang bumaba ang presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Ayon sa Department of Energy (DOE), may aasahang P0.60 roll back sa diesel at P0.10 naman sa gasolina. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply