Kaligtasan ng mga pari sa North Cotabato ipinasisiguro

TODO bantay ang Philippine National Police (PNP) sa mga pari sa lalawigan ng North Cotabato.

Ito ay kasunod ng pagkakapaslang sa Italian Priest na si Fr. Fausto Tentorio sa bayan ng Arakan kahapon.

Sinabi ni Special Investigation Task Group Fausto head Gen. Lester Camba, ipinag-utos na ng pamunuan ng PNP sa local police units nito na makikipag-ugnayan sa mga pari sa kanilang nasasakupan para sa ipapatupad na seguridad.

Kagabi ay nagkaroon ng pagpupulong ang Task Group kung saan ilan sa mga testigo ay nakunan ng pahayag kaugnay ng krimen.

Samantala, bahagyang nahirapan ang Task Group sa imbestigasyon dahil bago dumating ang pulisya sa crime scene ay pinakilaaman na ng mga sibilyan kung saan maliban sa kinuha ang katawan ng pari ay kinuha na ang mga dokumento at cell phone nito.

Kabilang naman sa tinitingnang anggulo ng pulisya ang umano’y pagiging anti-mining ng pari ngunit wala pa umanong testigo na magpapatunay nito.

Kinumpirma rin ni Camba na hindi ito ang unang pagkakataon na nakatanggap ng banta sa buhay ang pari.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply