Kaligtasan ng mga pasahero ipinatitiyak

IGINIIT ni Senate Committee on Public Services Chairman Ramon ‘Bong” Revilla, Jr. sa mga kaukulang ahensiya ng gobyerno na tiyakin ang kaligtasan ng mga biyahero ngayong Undas sa pamamagitan ng pagsusuri sa lahat ng uri ng transportasyon  sa bansa.

Partikular na nagbabala ang senador laban sa overloading ng mga bus at sea vessel na kalimitang sanhi ng mga trahedya sa pagbibiyahe.

Aniya, dapat parusahan ang transportation companies na magsasamantala sa inaasahang laki ng mga bilang mga pasahero sa pagdiriwang ng undas at sa mahabang bakasyon.

“Kung kinakailangan ay isusulong ko ang kanselasyon ng prankisa ng mga awtorisadong public transportation companies na mapapatunayang lumabag sa mga alintuntunin. Nanawagan tayo sa publiko na makipagtulungan sa gobyerno laban sa overloading. Hindi dapat magkaroon ng rolling coffins, floating coffins, at flying coffins ngayong Undas,” diin ni Revilla.

Kasabay nito, nanawagan din ang senador sa Department of Transportation and Communications  at sa mga ahensiyang nasa ilalim nito, gayundin sa Metro Manila Development Authority at Philippine National Police na tiyakin ang buong implementasyon ng lahat ng mga security preparation nito.

Gayunpaman, pinuri naman ni Revilla ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board sa pinaigting nitong kampanya laban sa mga colorum bus.
Base sa ulat, nagdagdag ang LTFRB ng mga security features sa special permit na ibinibigay nito sa mga bus operators na kung saan ay pinahihintulutan ang mga bus na magbiyahe sa labas ng regular na ruta nito mula Oktubre 30 hanggang Nobyembre 6 para matugunan ang All Saints’ Day exodus.

“Sa pamamagitan ng additional security features sa special permit, mahaharang ang operasyon ng mga colorum bus. Hindi na makakalusot ang kanilang mga pekeng permit.  Isang paraan din ito para matigil ang overloading ng mga bus,” giit ng senador.

Nagbabala rin si Revilla sa mga aksidente sa dagat na kinasasangkutan ng mga overloaded boats ay hindi na bago sa bansa kung saan ang pinakamurang paraan ng  inter-island transport  ay sa pamamagitan ng mga barko at iba pang sasakyang-pandagat.

“Hindi dapat matigas ang ulo natin. Dapat na matuto tayo sa nakaraan. Ang dami nang sea accidents na nangyari sa atin.  Palakasin natin ang pagbabantay sa mga piyer hindi lang para  mapigil ang mga krimen kundi para maiwasan ang mga aksidente sa dagat. Mas makakabuti kung ang mga hakbang pang- seguridad ay pangunahing nakatutok laban sa overloading, hindi lang sa mga help desks at security personnel visibility,”dagdag nito.

Sa pagbiyahe naman sa himpapawid, kinalampag ni Revilla ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) upang siguraduhin ang ligtas na paglipad ng lahat ng eroplano, pribado man o commuter aircraft.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply