Kamara hands off sa kaso ni Iggy Arroyo

MAS pag-uukulan ng panahon ng liderato ng Kamara de Representantes ang nagawa ng mga kongresista bilang mambabatas at hindi ang mga nakaraan bago pa man sila naging kongresista.

Sinabi ni House Speaker Feliciano Belmonte na hindi na dapat pang gumawa ng kaukulang aksyon ang Kamara sa kinasasangkutang chopper deal controversy ni Negros Occidental Rep. Ignacio “Iggy” Arroyo.

Ginawa ni Belmonte ang pahayag matapos hilingin ng Senate Blue Ribbon Committee sa Ombudsman na imbestigahan kung responsable rin si Iggy Arroyo sa tangkang pag-cover up sa anomalyang kinasasangkutan ng kanyang kapatid na si dating First Gentleman Mike Arroyo.

Hindi naman pipigilan ni Belmonte ang Senado sa pagsampa nila ng kaso laban kay congressman Arroyo sa Ombudsman upang mabigyan siya ng pagkakataon na ipagtanggol ang kanyang sarili sa korte.

Ani Belmonte, mas importante sa Kamara de Representantes ang mga nagawa ng isang kongresista habang siya ay nagsisilbi bilang mambabatas, hindi ang kanyang mga nagawa sa mga nakalipas na taon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply