Kampo ng MILF nakubkob na ng militar

KUMPIRMADONG nakubkob na ang kuta ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ngayong hapon sa Payao, Zamboanga, Sibugay.

Ani AFP Public Affair Office  chief Col. Arnulfo Burgos, ang nasabing kuta ay dating pinagtataguan ng mga rebeldeng MILF.

Hindi naman malinaw ang bilang ng mga sugatan sa nasabing operasyon na ayon pa kay Burgos ay inabot na ng dilim.

Nilinaw din ni Burgos na kaya sila nagsasagawa ng air strike ay para mapasok ang kuta ng mga MILF na sobra aniyang pinaghandaan para sa nasabing mga sitwasyon.

Wala namang sibilyan na nauulat na nadamay sa patuloy na operasyon.

Nauna nang iniulat na sinimulang galugarin ng mga militar ang maersh land ng Payao sa pangambang pinalibutan ito ng pampasabog ng mga target na lawless elements sa pangunguna ni Waning Abdulsalam.

Sa sinagawang briefing sa Camp Aguinaldo  inihayag ni na umabot sa 16 na bandido ang kanilang napatay kasunod ng air raid na isinagawa simula pa nuong Oktubre 24 sa piling target sa Sitio Taib, Barangay Labatan.

Kaugnay nito, tiniyak ni PNP Spokesman P/Chief Supt Agrimero Cruz Jr. na magpapatuloy ang kanilang pagtugis sa lawless element kung kinakailangang pasukin ang mga tinatawag na area of temporary stays.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply