Kampo ng MILF papasukin ng AFP

PAPASUKIN na ang kampo ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Ito ang tiniyak ni AFP Deputy chief of Staff for Operations OJ3 Bgen Jose Mabanta para aniya magsilbi ng warrant of arrest sa ilang may pananagutan sa batas.

Subalit nilinaw ni Mabanta na ”We will have to work within the ceasefire mechanism.”

Nangangahulugan na makikipag-koordinasyon muna ang militar sa liderato ng MILF upang mapasok ang mga area na idineklarang area of temporary stays partikular sa bayan ng Albarka.

Sakali umanong tumanggi ang MILF na makapasok ang tropa ng pamahalaan sa mga sinasabing ATS, “then we will have to serve justice, go in and serve… that cannot be, because we have to ano, there are laws of land that, the land that has to be implemented and pursued.”

Tiwala si Mabanta na hindi gagawin ng MILF na banggain ang mga sundalo na magsisilbi ng warrant dahil isasaagwa ito sa ilalim ng umiiral na ceasefire mechanism.

Nabatid na may ongoing operation at actual deployment and pursuit sa tatlong lugar partikular sa Lanao at Payao.

“we are determining the specific objective with one thing in mind, focused military operation, and the need for no collateral damage,” dagdag pa ni Mabanta.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply