Kampo ng militar sinalakay ng NPA sa Masbate; 4 sugatan

SINALAKAY ang isang maliit na kampo ng Philippine Army sa bayan ng Claveria sa lalawigan ng Masbate na humigit kumulang 50 miyembro ng New People’s Army.

Sugatan ang apat na miyembro ng Army at CAFGU sa palitan ng putok na umabot sa dalawampung minuto.

Hindi naman nagpasindak ang mga militar kahit kulang sila sa bilang at unti-unti umatras ang mga NPA patungo sa kabundukan ng Claveria.

Nagsagawa naman ng hot pursuit operation ang militar alinsunod sa kautusan ni Col. Felix Castro Jr., brigade commander ng 903rd Infantry Brigade na nakakasakop sa sinalakay na detachment.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply