Kapatid, hipag ng Basilan gov. binoga tepok

PATAY ang kapatid at hipag ni Basilan Governor Jum Akbar makaraang barilin ng hindi nakilalang lalaki na nakasakay sa motorsiklo kagabi, Oktubre 10 sa Isabela City, Basilan.

Ayon kay Chief Superintendent Elpidio de Asis, Zamboanga Peninsula Regional Police Office director, binaril at nasawi ang mag-asawang si Engineer Basser Jainuddin at Amina, isang barangay chairwoman, habang papauwi ng kanilang tahanan sa harapan ng Basilan State College sa Brgy. Sumagdang, Isabela City, Basilan bandang alas-7:05 p.m.

“Basser died on the spot after incurring several gun shot wounds. His wife was rushed to Infante Hospital, but was declared dead on arrival,” ayon kay De Asis.

natagpuan naman ng mga imbestigador ang pitong empty shells sa pinangyarihan habang patuloy pang inaalam ang motibo ng pamamaslang.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply