Kapatid na nakapatay sa Chief of Police, sumuko na

SUMUKO na ang suspek sa pagpatay sa Chief of Police ng Bayambang, Pangasinan at sa asawa nito dahil umano sa awayan sa lupa.

Ang suspek na kinilalang si Lyndon Milan ay sumuko mismo kay Alaminos City PNP Chief P/Supt. Rolly Saltat kasama si Alaminos City Mayor Hernani Braganza.

Nabatid na si Milan ay empleyado ng Alaminos City Hall.

Naganap ang pamamaslang dakong alas 9:00 ng umaga ng Linggo, ika-30 ng Oktubre sa Barangay Pandan sa lungsod ng Alaminos. Hinihintay umano ng mga biktima kasama si Barangay Captain Ricardo Legaspi at dalawa pang mga kagawad ng barangay ang suspek upang pag-usapan ang problema sa lupa. Dumating umano ang suspek na may dalang M16 at calibre .45 at kaagad pinaputukan ang mga biktima na siya nitong ikinamatay.

Idineklarang dead on arrival ang dalawa sa Western Pangasinan District Hospital sa naturang lungsod.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply