Kapatid ng komedyante patuloy na hinahanap

PATULOY ang paghahanap sa katawan ng kapatid na lalaki ng komendyanteng si Wilma Doesnt na pinaniniwalaan ng natabunan sa gumuhong basuha sa lungsod ng Olongapo.

Sa ginagawang retrieval operations sa naturang lugar ay natagpuan ang dalawang bangkay ng magnanay na sina Lanivie Ganseco at ang kanyang 1 taong gulang na anak.

Samantala ang katawan ni Edgardo Doesnt ay hindi pa nakikita. Ayon sa ina ni Doesnt kailangan mahanap nila ang kanyang anak.

“Kailangan namin makita. Mahirap isipin na mawawala lang ng ganoon lang,” ayon sa inang si Evelyn Doesnt.

Matatandaang gumuho ang gabundok na basura noong kasagsagan ng ulan ng bagyong Pedring na tumabon sa limang kabahayan malapit sa dump site.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply