Kapitan nilikida habang nakikipag-inuman

ISANG kapitan ng barangay ang binaril at pinatay habang nakikipag-inuman sa kanyang mga barangay tanod sa lalawigan ng Camarines Sur.

Nakilala ang biktimang si Brgy. Chairman Ronnie Olager, 43 ng Barangay Dakulang Tubig, San Fernando, Camarines Sur.

Hinihinalang mga miyembro ng New People’s Army ang lumigpit sa biktima dahil halos dalawang taon na itong may death threat ayon sa paunang imbestigasyon ng pulisya ng bayan ng San Fernando.

Ayon kay S/Insp. Valentin Añil ng San Fernando PNP, bago iniligpit ang biktima ng mga suspek ay hinihingi umano nito ang isang kalibre ng hindi naman natukoy. Tama sa ulo at balikat umano ang siyang dagliang ikinamatay ni Olager.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply