Kapitan patay sa food poisoning sa Cabanatuan

PATAY ang isang kapitan ng barangay, habang malubha pa rin ang lagay ng dalawang kasama nito na nabiktima ng food poisoning sa kasagsagan ng bagyong “Pedring” at bagyong “Quiel” kahapon, Oktubre 1.
Namatay habang nilalapatan ng lunas sa Immaculate Conception Medical Center (ICMC) si Rolando “Loleng” Garcia Opeña, 58, chairman ng Barangay Imelda, nasabing lungsod.

Nakilala naman sa pangalang May, barangay secretary, at isang alyas Garry, tricycle driver at ang patuloy pang ginagamot sa ICMC.

Nabatid na noong Miyerkules matapos tumulong ang kapitan na maglikas at asikasuhin mga ka-barangay na nasalanta ng baha ni bagyong “Pedring” ay namahinga ito sa kanilang barangay hall at nananghalian. Nabatid na nagpagisa ito ng sardinas na may bunga ng papaya at sabay-sabay silang nagsikain ng dalawa pang biktima at ilan niyang volunteers.

Ayon kay Konsehal Boyet Madrid, dahilan sa pagod at puyat sa pagliligtas sa mga kabarangay na naipit sa baha ay posibleng humina ang resistensya ng kapitan kaya bumigay ang katawan nito.
Nabatid na may particular na kinain ang tatlo na nakalason sa kanila.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply