Karahasan sa kababaihan kailan magwawakas?

HANGGANG kailan magwawakas ang sobrang karahasan sa mga kababaihan?

Nakakikilabot ang nagaganap sa katuwang ni Adan lalo’t sadyang idinaramay pati ang mga paslit at kadalagahan.

Labis na iniingatan ng mga magulang ang mga paslit at kadalagahan sapagkat inaasahan silang magiging mahalagang bahagi ng magandang bukas ng repablik ni Juan.

Ngunit nakaririmarim talaga ang nagaganap sa kanila, at tila wala nang kata pusan ang nagaganap na ito.

oOo

Kabilang sa mga pinakahuling biktima ang mga misis at kanilang mga anak sa magkasunod na masaker sa Laguna at Cebu.

Ang away ng mga lalaki sa Laguna dahil lang sa napatay na kabayo sa halaman ay humantong sa masaker ng mag-asawa na ikinadamay ng kanilang dalawang maliliit na anak.

Naliligo sa sarili nilang dugo mula sa karit at matalim na bagay sina Maricel Rendon at mga anak nito, kabilang na si Maryjoy, 2 anyos.

Sa Cebu naman, minasaker ng ama ng tahanan na si Emmanuel Ponce ang kanyang misis na si Melinda at tatlong anak nito, kabilang na sina Elain Grace at Heather Joy.

oOo

Dinala naman sa kanyang huling hantungan ang ni-rape, ninakawan at pinatay ring si Given Grace Cibanico, 19, iskolar ng bayan sa University of the Philippines-Los Baños, Calamba, Laguna.

May mga nagaganap ring ganito sa Metro Manila gaya ng inihagis sa loob ng isang container van sa Tondo, Manila.

oOo

Para sa mga ayaw ng parusang bitay, ano ang masasabi ninyo, huh?

Kung tayo ang tatanungin, Suki, pinakaepektib na pamuksa sa mga kriminal na gumagawa nito ang bitay.

Kung mismong ang Diyos ay payag sa parusang bitay, walang dahilan para hindi ito ibalik na parusa sa mga kriminal.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply