Karambola ng 7 sasakyan, 7 sugatan

PITO katao ang nasugatan nang magkarambola ang pitong sasakyan sa kahabaan ng Quirino Highway sa Fairview, Quezon City umaga ng Biyernes, Oktubre 21.

Sinalpok ng JFP Liner na minamaneho ni Pedrito Malunes ang isang motorsiklo, isang dyip, 3 pribadong sasakyan at isang bus matapos umanong mawalan ng preno ang kanyang sasakyan.

Sinabi naman ng drayber ng dyip na si Romeo dela Cruz, bago nangyari ang aksidente ay nakikipagkarera umano si Malunes sa isa pang bus.

Dinala sa Neopolitan General Hospital ang mga sakay ng motorsiklo na sina Jocelyn Espanto at Angel Aliwalas; mga pasahero ng dyip na sina Maria Karen Gomez, Silvia Diaz at Luis Caperas.

Pinakamatinding napuruhan si Aliwalas at kinakailangan pa itong operahan sa ulo dahil dahil sa laki ng pinsala.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply