Karne ng buwaya susuriin ng NMIS

NAKATAKDANG sumailalaim sa pagsusuri ng National Meat Inspection Service (NMIS) ang karne ng buwaya at iba pang exotic food matapos na mapabalita na maraming mga indibidwal na kumakain ng mga ganitong karne.

Ayon kay NMIS National Capital Region Director Eduardo Oblena, kailangang mabusisi nila kung malinis ang pagkakatay ng mga matansero upang hindi manganib ang kalusugan ng mga tao na kumakain ng mga ganitong karne.

Ang aksyon na ito ng NMIS ay makaraang mapabalita na parami ng parami ang mga kumakain ng buwaya sa paniwalang nakagagaling ito ng iba’t ibang uri ng sakit gaya ng respiratory diseases.

Samantala, maliban sa karneng buwaya, susuriin na rin umano ng NMIS ang iba pang uri ng mga exotic meat.

Una nang kinilala ng Department of Agriculture (DA) ang captive bred saltwater crocodile bilang isang food animal na inihalintulad ang lasa sa swine chicken at karne ng kambing.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply