Karo ng patay tumirik, drayber binugbog

LAMOG sa mga nakipaglibing ang isang tsuper ng karo ng patay dahil sa biglang pagtirik sa ikalawang pagkakaton ang kanyang sasakyan habang hinahatid ang isang bangkay sa sementeryo sa Legazpi City kaninang umaga.

Isinugod sa pagamutan sanhi ng tinamong pasa, bukol at sugat sa mukha at ulo si Jonathan Amier, 42, ng Barangay Bogtong, Legazpi.

Dinampot naman kaagad at sasampahan ng kaukulang kaso ang suspek na si Arnel Cardel, 39, habang ang ilan sa mga bumugbog ay hindi na nakilala nang biglang nagsitakas.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente alas-9:00 ng umaga sa national highway, nasabing barangay.

Bago ito, nabatid na sakay ni Amier ang isang bangkay para ihatid sa sementeryo ngunit biglang tumirik ang kanyang minamanehong karo.

Habang kinukumpuni ng biktima ang sira ng karo, nilapitan siya ni Cardel na kamag-anak ng namatay at sinapak sa mukha.

Saglit namang naawat ang kaguluhan nang mapaandar ni Amier ang karo, pero nang muli itong tumirik ay ginulpi na siya ng iba pang kamag-anak ng namatay.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply