Kaso laban kay Hayden pinagtatakhan ni Katrina kung papanong na-dismiss!

AMINADO si Katrina Halili na malaki ang ipinagbago ng kanyang buhay, partikular na dahil sa sex video scandal na kinasangkutan niya at ni Hayden Kho, Jr.

Personally naniniwala ang StarStruck alumna at two-time FHM Philippines Sexiest Woman na pinatibay siya ng naturang pangyayari.

Malaki ang pasasalamat ng aktres sa suporta ng kanyang pamilya, mga kaibigan, katrabaho at fans na hindi nang-iwan sa kanya.

Ngunit kamakailan may panibagong isyung ibinabato kay Katrina.

Iniintriga kasi ang kakayahan nitong gastusan ang mga kinaharap na problemang ligal.

Totoo bang may DOM (dirty old man) na tumutustos sa kanyang pangangailangang pinansiyal?

“Wala! Dahil wala akong trabaho? Inaamin ko naman po, yung pagsasampa ko ng kaso e wala naman akong binabayaran. Kahit papaano may ginagastos naman ako pero hindi naman ganung kalaki.

“Basta ako alam ko sa sarili ko kung ano po yung totoo. Wala na po akong kailangang patunayan sa mga tao.

“Ang message ko po run sa mga nagpapakalat ng mga ano na yan, isyu ng DOM, bahala kayo. Kasi ano, di ba, kahit naman pakiusapan ko wala naman akong… di ba, hindi naman sila susunod sa akin.”

Sampung buwan na ang nakalipas mula nang i-dismiss ng korte ang kasong kriminal na isinampa ni Katrina laban kay Hayden.

Until now though, nagtataka pa rin ang aktres kung bakit bigla itong nabasura gayong hindi man lang sumalang sa witness stand si Hayden.

“Bigla na lang sinabi wala na raw yung kaso. Iyon lang yung nakakakuwestiyon dun. Parang, ‘Ano’ng nangyari?’

“Hindi man lang siya nagpunta sa harap para ma-interrogate, di ba? “So kung sa tingin po nila e ganun, wala naman po akong magagawa.

“Basta ako pinaglalaban ko lang ang sarili ko.”

Tsuk!

-0o0-

GRABE talaga ang karisma ni Willie Revillame dahil nagdulot ng traffic sa Roces Avenue, Quezon City dahil sa mga tao na dumating sa Amoranto Stadium na gustong makakuha ng tickets para sa anniversary show ng “Wil Time Bigtime” sa October 22.

May mga hinimatay dahil sa haba ng pila pero sinisigurado naman nila ang kaligtasan at kapakanan ng mga tao.

Dumaan kami run nang madaling araw ng Sabado pero ang dami pa ring tao.

Nakini-kinita na naming punom-puno ang Smart Araneta sa unang anibersary ng WTB.

-0o0-

NAKATSIKAHAN namin si Direk Lauren Dyogi sa Thanksgiving celebration ang Pinoy Biggest Loser Pinoy Edition at awarding ceremony ng Fab 5 na sina Larry, Art, Raffy, Hazel, and Angel.

Nakakainggit ang Fab 5 dahil pumayat na, nagkapera pa. Kung isang milyon cash, worth 3.8 M condo, motor atbp ang natanggap ni Larry tig-P500,000 minus tax naman ‘yung apat.

Dahil panalo ang unang edition ng PBL, sure na ang season 2 nito. Mismong ang unit manager ng programa na si Direk Lauren ang nag-confirm.

Double ang concept next season. Merong magkapatid, mag-asawa at magkaibigan.

Si Sharon (Cuneta) pa ba ang magiging host ng season 2?

“Hopefully. Mag-stay siya with us. Mahal naman niya kami,” mabilis na tugon ni direk dahil napapabalitang lilipat na siya sa TV5. “Alam naman natin na may co-manager na siya,” aniya pa.

Pero masayang ibinalita ni Direk Lauren na may pelikula siyang gagawin with mega na pang-Mother’s Day entitled “Call Center.” Sey pa niya sina Gerald Anderson, Maja Salvador, Julia Montes, Enrique Gil, at Xyriel Manabat ang magkakasama.

Sa summer papasok ang bagong season ng Pinoy Biggest Loser at abangan na lang kung si Sharon pa rin ang host.

-0o0-

ARTISTA na si Art dahil balitang kasama siya sa pelikula nina Piolo Pascual at Angelica Panganiban. Ang 1st runner up ng The Biggest Loser Pinoy Edition ay gaganap bilang boss ni Piolo sa pelikula. Ayon kay Art, medyo kabado siya sa eksena pero very down-to-earth naman daw si Papa P.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply