Kaso ng child labor sa Pinas tumataas lalo

DAHIL lumobo na sa 2.4 milyon ang bilang ng child labor sa bansa, plano ng International Labor Group (ILG) na bigyan ng trabaho ang mga magulang ng mga kabataang napaaga ang pagsabak sa paghahanap-buhay.

Sinabi ni Jesus Macasil, ILO senior program officer, karaniwan na kasi na ang nakukuhang trabaho ng mga menor de edad ay ang mga hanapbuhay na hindi pa angkop para sa kanilang edad.

Batay sa kanilang pag-aaral, umabot na sa mahigit 2.4 milyong kabataan ang bilang ng child labor sa bansa at kung hindi agad sila kikilos ay posibleng madoble pa ang bilang sa mga susunod pang taon.

Ayon pa kay Macasil, ang pinakamaraming kasong naitala na chiula labor case ay mula sa mga bayan ng Masbate na ang mga magulang ang sila mismo ang nag-uudyok sa kanilang mga anak na maghanap buhay kahit sa murang edad.
Isa aniya sa pamamaraan para mabawasan din ang bilang ng child labor ay ang pagbibigay ng social services sa mga magulang ng mga kabataan  na ang trabaho ay kung hindi magbubukid ay isang mangingisda lamang.

Karamihan sa mga child labor ay nasasabak sa white slavery o alipin sa mahirap na klase ng trabaho, sex exploitation o alipin naman sa gawaing seksuwal o nagbebenta ng laman sa murang kaisipan.

Nasasangkot din ang mga kabataan sa pagtatrabaho sa loob ng minahan na delikado para sa kanilang kalusugan.

Napapasabak na lamang ang mga kabaatan at walang magawa dahil hikahos sa buhay o salat sa yaman kaya hindi na sila nakapag-aral pa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply