Kaso ng dengue sa Metro Manila sumipa na sa higit 20,000

SUMIPA na sa mahigit 20,000 ang naitalang kaso ngayon ng dengue sa Metro Manila ngayong taon.

Ayon kay Center for Health Development National Capital Region (NCR) Director Dr. Eduardo Janairo, pumatak na sa 21, 057 ang nabiktima ng dengue, 119 dito ang namatay mula Enero hanggang Oktubre 8.

Mas mataas umano ito ng 20 porsyento kumpara noong nakalipas na taon.

Batay sa ulat ng Regional Epidemiology Surveillance Unit (RESU), pinakamataas na bilang ng naaapektuhan ay mga batang may edad hanggang limang taon na nakapagtala ng halos 3, 000 kaso at 107 patay.

Nanguna naman ang Quezon City sa may pinakamaraming naiulat na kaso ng dengue na mahigit 7, 000 kasunod ang Maynila na may halos 3, 000 at sinundan ng Caloocan, Valenzuela at Pasig. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply