Kaso ng droga sa Taguig bumaba

NAGING maganda ang ginawang pagsisikap ng pamahalaang lungsod ng Taguig hinggil sa kill droga, ito ay matapos na suyurin at maipakulong ng mga elemento ng Station Anti-Illegal Drugs Special Operation Task Group (SAID-SOTG) ang maraming bilang ng mga hinihinalang tulak sa magkakahiwalay na buy-bust operations na inilatag nito, ayon sa ulat ni PC Insp. Mihilan Abu Payao kaninang umaga.

Batay sa report ng nasabing himpilan, nitong Setyembre, bumaba ng may apat na puntos ang mga nakasuhan ng paglabag sa Republic Act 9165, sa ilalim ng saknong bilang 5 at 11, kung ihahambing ito sa 14 na suspek na isinalya sa selda noong buwan ng Agosto.

Kabilang sa mga dinampot ng mga undercover agent at sinampahan ng kaso ay nakilalang sina Cristy B. Blas, nahuli noong Agosto 31 sa D. San Pedro St., Dinguinbayan, Brgy. Ibayo-Tipas; Philip S. Tecson, nahuli noong Setyembre 8 sa harap ng Andok’s Lechon, MLQ St., Purok 6-A, Brgy. Lower Bicutan; Fatima D. Tumangong, nahuli noong Setyembre 14 sa Gen. Santos Ave., Brgy. Upper Bicutan; Federico A. Senerez Jr., nahuli noong Setyembre 15 sa Food Court, Market Market Taguig; Federico B. Valencia Jr.; Joshua J. Udasan, nahuli noong Setyembre 16 sa Poolan Area, Brgy. Upper Bicutan, Elsa D. Tupaz; nahuli noong Setyembre 19 sa Manila City Jail Annex, BJMP, Camp Bagong-Diwa, Brgy. Lower Bicutan; Razen R. Capco, nahuli noong Setyembre 20 sa 1027 J. Ramos St., Brgy. Ibayo-Tipas at Florante C. Luklukan, nahuli noong Setyembre 21 sa P. Lucas St., Brgy. Napindan.

“Karamihan sa mga nauna ay naipakulong na namin at ‘yung ibang natitira sinuyod na rin namin at ikinulong,” ani Payao.

Dahil sa mabisang pagtupad sa tungkulin, pinuri ng pamahalaang lungsod ng Taguig ang mga law enforcer nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply