Kaso ng leptospirosis sa M. Manila lumobo ng 221%

SUMIRIT pa ng todo ang kaso ng leptospirosis sa ilang parte ng Metro Manila, ayon sa pinakahuling estatistika ng Department of Health (DOH) at Health Deparment ng Manila at Quezon City government.

Sa ulat ng Regional Epidemiology Surveillance Unit (RESU), may kabuuang 456 kaso at 45 ang namatay mula Enero 1 hanggang Oktubre 15, 2011, na mas malaki ng 221% kumpara sa 142 kaso kung saan pito ang naitalang namatay sa parehong petsa noong isang taon.

Ang San Lazaro Hospital naman ang mayroong pinakamataas na naitalang kaso ng sakit na umabot sa 226 na may walong patay at sinundan ng Jose Reyes Memorial Medical Center may 39 na kaso na may apat na patay, pumangatlo naman ang Quezon City General Hospital na may 32 kaso na may tatlong patay, habang pang-apat naman ang East Avenue Medical Center, 25 kaso at 13 namatay, Ospital ng Makati na may 18 kaso at isang patay at Quirino Memorial Medical Center na may 12 kaso at dalawang patay.

Karamihan sa mga tinamaan ng naturang sakit ay kalalakihan na ang edad ay sa pagitan ng 15 hanggang 30-anyos, na may 181 kaso at 12 kaswalidad.

Ang leptospirosis ay isang uri ng isang bacterial infection na umeepekto sa tao at hayup. Nakukuha ito sa direct contact sa mga ihi at dumi ng mga infected animals o may kontak sa urine-contaminated environment tulad ng tubig-baha, lupa at halaman. Pumapasok ang bakterya sa katawan sa pamamagitan ng sugat sa balat, sa mata, ilong at bibig.

Pinaalalahanan naman ni Eduardo Janairo, DOH regional director para sa Center for Health Development, ang iba’t ibabg ospital tulad ng Quezon City, Manila, Caloocan, Malabon, Navotas, Pasay at Valenzuela na magsagawa ng Rapid Diagnostic Test (RDT) sa mga pasyenteng may mataas na lagnat dahil ang kaso ng leptospirosis ay patuloy pang lumulobo.

“The rainy season is far from over. As much as possible, let us avoid wading and spending much time submerging our feet in flood waters to prevent contracting leptospirosis and also athlete’s foot or ‘alipunga,'” babala pa ni Janairo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply