Kaso ng PAL idudulog din ng TUCP sa SC

SUPORTADO ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) ang pagdulog sa Korte Suprema ukol sa desisyon ng Philippine Airlines laban sa may 2,000 empleyado nito.

Sinabi ni TUCP Partylist Rep. Raymond Mendoza na labag sa batas ang ginawa ng PAL.

Gayundin aniya, ang ginawang pagsuporta ng gobyerno upang gawing kontraktuwal o isailalim sa outsourcing ang mga regular na empleyado.

Tinukoy ni Mendoza ang Article 8 Section 3 ng Konstitusyon na nagtatakda na obligasyon ng gobyerno na bigyang proteksyon ang mga manggagawa at ang kanilang security of tenure.

Naniniwala ang kongresista na malaki pa ang laban ng mga sinibak na empleyado ng PAL dahil sa pagsasailalim sa kanila sa contractualization.

Dahil sa kabiguan ng Philippine Airline Employees Association (PALEA) na kumbinsihin ang management ng PAL na itigil ang outsourcing ay napaaga ang kanilang pagtigil sa trabaho.

Ito naman ay nagresulta sa kabi-kabilang kanselasyon ng flights ng PAL pagpasok ng buwan ng Oktubre.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply