Kaso ng Pinoy na may ‘dirty finger’ na larawan sa Saudi iaapela

MAGHAHAIN ng appeal ang Migrante Middle East kaugnay sa kaso ng isang overseas Filipino worker (OFW) na inaresto sa Riyadh, Saudi Arabia matapos mahulihan ng larawan ng “dirty finger” na may nakasulat na murang Ingles.

Sinabi ni Migrante Middle East Regional Coordinator John Leonard Monterona na ikokonsulta nila sa lokal na Shari’a Court sa Riyadh ang kaso ng 32-anyos na OFW na kinilala lamang sa alyas na “Willie.”

Iginiit ni Monterona na hindi naman konektado sa blasphemy sa paniniwalang Islam ang ginawa ng OFW sa pagdadala ng naturang larawan.

Ipinaliwanag pa ng grupo na hindi magagawa ng Pinoy na bastusin ang pananampalataya ng mga Muslim dahil marunong itong rumespeto sa kapwa.

Nakakulong ngayon at patuloy na nagdurusa ang naturang OFW sa Azizia Police Station sa Riyadh.

Sa tinanggap na report ni Eric Jocson, chairperson ng Kapatiran sa Gitnang Silangan, nahaharap sa kasong paglabag sa “customary prohibition” ang Pinoy na tubong Laguna at nagtatrabaho bilang factory worker sa Riyadh.

Siya ay ikinulong noong Oktubre 14 sa Azizia Police station matapos na ireport at ipaaresto ng kanyang supervisor sa Mutawa o religious police.

Nahuli umano ng kanyang supervisor si “Willie” na may hawak na papel na naka-drawing ang “dirty finger” na may offensive meaning para sa lahat ng makakakita.

Agad siyang sinita ng kanyang bisor at tiningnan ang nilalaman ng papel hanggang sa itanggi ng nasabing OFW na para sa kanyang boss ang nasabing dirty finger sketch.

Nauna rito, nagkaroon umano ang argumento ang nasabing Pinoy at kanyang supervisor nang magreklamo ito dahil sa desisyon ng huli na ilipat siya sa ibang job site. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply