Kasunduan ng Meralco at Napocor legal – CA

IPINAHAYAG ngayon ng Court of Appeals na legal ang bilyon-bilyong pisong halaga ng settlement agreement sa pagitan ng Nation Power Corporation at Manila Electric Company.

Dahil dito, asahan ng publiko ang pagtaas sa singil sa kuryente.

Sa botong 4-1, idineklara ng CA Special Division of Five na hindi labag sa batas ang P14 bilyong kontrata sa pagitan ng Napocor at Meralco na mangangahulugan ng P0.12 dagdag singil ng Meralco sa kada kilowatthour ng kuryente sa loob ng lima hanggang anim na taon.

Kaugnay nito, ibinasura ng CA ang Petition for Certiorari, Mandamus and Prohibition with Supplemental Petition na inihain ng Office of the Solicitor General.

Ang mataas na singgil sa kuryente ay nangangahulugan lamang na hindi pa tapos ang kalbaryo ng bawat tahanan sa napakataas na singil sa kuryente dahil ibinulgar din ng Freedom from Debt Coalition (FDC) na maaari pang umakyat ng hanggang P3 kada kilowatt hour kung maaaprubahan ang mga nakabinbing petisyon sa Energy Regulatory Commission (ERC).

Sinabi ni Ricardo Reyes, tagapangulo ng FDC, tambak pa ang petisyon na pinag-aaralan ng ERC buhat sa Manila Electric Company (Meralco) at iba pang power distributors na hinihiling ng sari-saring pagtataas partikular sa “generation charge”.

Dahil sa pagiging maluwag ng ERC, nangangamba naman ang FDC na maaprubahan ang lahat ng naturang petisyon na may katumbas na P3 kada KwH.

Kapag nangyari umano ito, malaki ang posibilidad na maungusan ang Germany at Denmark sa may pinakamataas na singil sa kuryente sa buong mundo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply