‘Katamaran’ ni PNoy dinepensahan ng Kamara

KINUNSINTI ngayon ni Majority Floor Leader Neptali Gonzales ang kabiguan ni Pangulong Benigno Aquino III na dalawin ang mga sinalanta ng bagyo at binaha.

Ayon kay Gonzales, hindi pumapayag si Pangulong Aquino na sa kanya maituon ang pag-aasikaso partikular ng lokal na opisyal kapag siya ay nagtungo sa isang lugar.

“The President has his own reasons. Ang kanyang sabi kung pumunta siya roon, sa kanya masi-center ang attention and will defeat the very purpose of rescue operations that the government is undertaking. You cannot fault him for looking at that way kasi naman talagang pag dumating ang Presidente sa isang lugar na kahit ito ay may disaster talagang naiiba talaga, nagiging artificial ang lugar dahil napu-focus ang attention how to secure the President,” paliwanag ni Gonzales.

Ngunit hindi naman aniya nangangahulugan na walang pamamaraan upang mabatid ni Pangulong Aquino ang  tunay na kalagayan ng mga sinalanta ng bagyo at baha dahil meron naman aniyang mga makabagong teknolohiya.

“With the modern technology right now, any secretary or head of the agency is just a cellphone away, talaga namang hindi kailangan ng isang Presidente na makita talaga o ano iyun para sa photo-ops lamang na binabasa niya ang kanyang paa sa baha.
Kahit magpunta rin ang Presidente may masasabi rin sa kanya, the style of the President is different from others, kanya-kanya iyan and ang ating Presidente ay talagang hindi mahilig sa photo-ops,” ani Gonzales.

Reaksyon ito ng kongresista sa kaliwa’t kanang batikos ngayon kay Pangulong Aquino dahil sa umano’y pagiging tamad nang hindi man lamang nito dalawin ang mga sinalanta ng dalawang nagdaang bagyo.

Ipinagtanggol din ni Gonzales ang mabagal na pag-aksyon ng gobyerno sa pagsagip at rehabilitasyon dahil sa mga balitang wala namang direktiba si Aquino.

“Hindi naman nagkataon lamang, when you have disaster ganitong magnitude, never been seen before, talagang mahihirapan ang effort ng government. Mahirap talaga dahil malawak masyado but suffice it to say the government kasama ang LGU’s are doing its best to address the problems brought by these successive typhoons,” sinabi pa ng kongresista. Meliza Maluntag

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply