Kaya di puwede sa bading: Kean may ka-live-in na non-showbiz girl

SAY ng aming informant, kaya raw pala super deny itong lead vocalist ng bandang Calalily na si Kean Cipriano sa presscon ng “Praybeyt Benjamin” na pinagbibidahan ni Vice Ganda na wala pa siyang gay experience ay dahil takusa (takot sa asawa) ito. Yes, may ka-live-in raw na non-showbiz girl itong si Kean kaya ‘yung tungkol sa kanila ni Alex Gonzaga ay hanggang camera lang.

Mataray raw talaga ang babaeng kasama nito sa iisang bubong dahil parang ala-Jowarski raw ito kung magbantay sa kanya.

No wonder, behave na rin daw ngayon ang band singer-actor dahil mahal na mahal daw nito ang naturang girl. At any rate, kayo ba ay naniniwala na wala pang karanasan sa bading itong si Kean? Kasi ang mga co-star nito sa Praybeyt Benjamin na sina Tito Eddie Garcia, Carlos Agassi at DJ Durano ay umamin sa churvahan nila o pakikipagrelasyon sa vaklush.

Well, si Vice Ganda ang makakasagot ng question nating ‘yan dahil minsan ay naging close sila sa isa’t isa ni Kean.

Anyway, like his launching vehicle na Petrang Kabayo, nangangamoy box office na naman itong kanyang Praybeyt Benjamin kung saan may intimate scene sila ng hunky actor na si Derek Ramsay.

‘Yan ang dapat n’yong abangan mga bagets at bading sa movie na ‘to na showing na  this coming October 26 in some 100 theaters nationwide. Produced ito ng Star Cinema at Viva Films.

***

Apaw-apaw na biyaya ipinagkaloob ng Eat Bulaga kay Ginang Editha ng Kyusi

BUKAS sa Eat Bulaga ay punung-puno ng sorpresa ang hatid ni Bossing Vic Sotto sa Juan For All, All For Juan sugod-bahay sa Barangay. Kaya maaga pa lang ay dapat naka-ready na ang naka-schedule na barangay sa araw na ito na susugurin nila Dabarkads Jose, Wally at Paolo kasama si Anjo Yllana. Naku! Parang naka-jackpot sa lotto ang residenteng mabubunot ang pangalan. At siyempre waging-wagi rin ang mga kababayan nating mabubunot ang mga numero sa Bayanihan of Da Pipol.

Sino naman kaya ang tatanghaling PNV o Pambato ng Videoke sa barangay na ito? Kasing galing rin ba siya ng Pambato ng Eat Bulaga na si Michael B. na plakadung-plakado ang pagiging Mr. Pure Energy Gary Valenciano.

Napakasuwerte ni Michael dahil super build-up sa kanya ang Bulaga. Samantala, noong nakaraang Sabado, apaw-apaw na biyaya ang ipinagkaloob kay Aling Editha Inez ng No. 69 San Isidro St., Brgy. Sto. Nino Quezon City malapit sa Sta. Mesa Manila.

Halos umabot sa 50 pcs o P50,000 cash ang ibinigay na datung ng EB sa kanya at ng iba’t ibang sponsors sa Juan For All, All For Juan tulad ng Coca-Cola, Puregold, Dunkin Donuts, Lucky Me Nam-Nam, Exchange Me at marami pang iba.

Siyanga pala, marami na ang mga tumugon sa panawagang tulong sa ABG o Action Bossing Gang para sa mga kababayan natin na sobrang naapektuhan ng mga bagyong Pedring at Quiel. Puwede pa rin ninyong dalhin ng personal ang inyong mga nais ibigay na tulong sa Broadway Centrum diyan located at Aurora Blvd cor. Dona Juana Rodriguez Avenue. Araw-araw ay tumatanggap ng donasyon ang Bulaga.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply