Kaya malabong maging boypren: Bianca King asiwa kay Dennis Trillo

SA pagtatapos ng kauna-unahang soap opera ni Bianca King at highest rating soap opera sa hapon na “Sinner or Saint” ay tinapos na rin ni Bianca ang mga alingasngas sa pagitan niya at ng kanyang leading man na si Dennis Trillo.

Una na rito ay tsikang napadadalas raw silang nakikitang magkasama at nagdi-date. Sa isang panayam ay diretsahang sinabi ni Bianca na walang katotohanan daw ang tsikang ito. Paano raw pa siya makapagdi-date sa rami ng kanyang ginagawa ngayon at nag-aaral pa siya kung saan kumukuha siya ng film directing? Wala namang masama kung sakaling maging sila ni Dennis, tutal, pareho naman single and available ngayon.

Pagdating sa puntong ito, prangkang sinabi ni Bianca na ngayon palang daw na wala pang ligawan ay kung anu-ano nang intriga ang kinakabit sa kanila ni Dennis, how much more raw kung silang dalawa na talaga? Say pa rin ni Bianca, hindi niya feel ang isang love affair na pinagpipistahan ng intriga. Pati sa tsikang balak daw niyang i-direk sa isang indie movie si Dennis at may ginawa na raw siyang istorya, ayon kay Bianca, hindi raw niya feel sa ngayon na i-direk ang binata. Okey lang daw maging kaparehang muli niya ito sa isang pelikula.

Kung may isang artistang balak i-direk si Bianca, ito raw ay walang iba kundi si Aljur Abrenica na pumayag lumabas sa thesis niyang pelikula para sa pag-aaral niya ng film directing.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply