KC naguguluhan na sa relasyon kay Piolo Pascual

MAKAHULUGAN ang naging pahayag ni KC Concepcion bago umalis papuntang Spain last Wednesday nang ma-interview ng staff ng The Buzz sa airport.

Paliwanag kasi ng dalaga ni Sharon Cuneta kung bakit biglaan ang pag-alis niya ay: “Kailangan ko lang ng oras para sa sarili ko..sa rami ng nangyari at mga nangyayari, kailangan ko lang ng time para pag-isipan ang mga nangyayari para mahanap ko ang sarili ko…

“Tamang-tama na nandoon ang mga childhood friends ko. Nandoon yung mga rati kong kaibigan at yung mga kaibigan na makakapagpasaya sa akin. May mga events..may wedding yung isa kong kaibigan…Magsa-side trip na rin kami sa Paris.

“Kailangan ko lang ng ilang araw para huminga nang konti, para makapag-isip nang konti, mapahinga ang isip ko.”

Nang tanungin kung nagpaalam ba siya kay Piolo?

Aniya: ”Hindi ko alam. Basta kailangan ko lang ng time na mag-isip lang talaga.”

At ang huling tanong kay KC bago siya nakalayo sa staff ng The Buzz, kung sila pa rin ni Piolo Pascual?

“Hindi ko alam,” kaagad na sagot ng dalaga ni Megastar.

***

KUNG dati inilalabas ni Cristine Reyes sa Twitter ang kanyang galit kaya umani siya ng maraming batikos, ngayon kapag galit ay hindi na niya ito ginagawa sa Twitter at lumalabas na lang ng bahay para magliw-aliw.

“Natuto na ako. Ang ginagawa ko na lang ay lumalabas ako with friends. Nakikipag-socialize na lang ako. Through that ay nawawala na ang anumang masamang pakiramdam ko,” pagbubulgar ni Cristine.

Alam naman kaya ni Rayver Cruz kapag siya ay lumalabas kasama ng mga kaibigan para gumimik?

Anyway, masaya si Cristine ngayon dahil tumabo sa takilya ang pelikula nila ni Anne Curtiz na No Other Woman (P220 milyon) na tinalo na ang box office hit movie nina Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz na You Changed My Life (P209 milyon) despite the fact na bumagyo the day before na ipalabas ito sa mga sinehan at maulan nitong mga nakalipas na linggo.

Hindi nga inasahan ni Cristine na magiging big hit ang movie nila dahil sa daring ang tema ng istorya. Pero napatunayang may market pala ang mga ganitong movie kaya hindi raw siya nagsisisi sa ginawang paglalantad ng hubad na katawan habang nakikipagromansahan kay Derek Ramsay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply