Kelot, bebot pinatay sa sakal

PINATAY sa sakal ang isang lalaki at isang babae na kapwa natagpuang may packing tape sa ulo at bibig sa harap ng isang gusali kaninang umaga sa Sampaloc, Maynila.

Inilarawan ni P/Sr.Insp.Joey de Ocampo ang lalaking biktima na edad 30-35, may taas na limang talampakan, katamtaman ang pangangatawan, semi-kalbo at naka suot ng maong pants at t-shirt.

Ang babaeng biktima naman ay nasa edad 30-35, 5’2” ang taas, nakasuot ng kulay itim na maong pants, kulay gray na t-shirt at may tribal tattoo sa  paa.

Nabatid kay SPO2 Bernardo Cayabyab, dakong alas-4:30 ng madaling araw nang mapansin ng nagdaang motorsiklo ang bangkay ng mga biktima na nakahandusay sa kalsada sa tapat ng Aegis Juris Law Resources building na nasa 1458  Laong Laan corner Navarra st., Sampaloc, Maynila kaya agad niyang inireport sa pulisya.

Ayon kay Cayabyab, hinihinalang mga biktima ng summary execution ang dalawa dahil sa istilo ng kanilang pagkamatay.

Sa eksaminasyon ay wala namang ibang nakitang sugat sa katawan ng mga biktima maliban sa marka ng sakal sa kanilang leeg kung saan nakapulopot pa sa leeg ng biktimang lalaki ang nylon habang naka-packing tape ang kanyang bibig.

Patuloy naman sa pagsasagawa  ng imbestigasyon ang pulisya para matukoy ang pagkakilanlan ng dalawang biktima.

Dinala ang mga bangkay sa Funenaria Cruz para sa awtopsiya at safekeeping. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply