Kelot binaril ng kainumang sekyu

KRITIKAL ang isang lalaki matapos barilin ng kainumang guwardiya dahil sa pag-awat ng nito nang awayin ng huli ang isang waitress sa loob ng videoke bar sa Malabon City kaninang ng madaling araw.

Inoobserbahan sa Manila Central University hospital sanhi ng tama ng bala sa dibdib si Raymund Valleser, 26, ng MacArthur Highway, Potrero ng lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis si Robert Guialon, nasa hustong gulang at nakatalaga sa Silver Goldstar Heavy Equipment Rental sa nasabing lugar.

Base sa ulat, dakong alas-3:00 ng madaling araw, kainuman ng biktima ang suspek sa Cargie videoke bar sa nasabing lugar nang magalit ang suspek sa waitress dahil hindi agad nabigyan ng beer.

Inawat ng biktima ang suspek subalit nagalit ang huli sabay bunot ng baril at pinutukan si Valleser.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang dinala naman ang biktima sa MCU. Rene Manahan

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply