Kelot inutas sa loob ng internet shop

SINASABING binuweltahan lamang ng kaaway ang isang 31-anyos na stay-in sa binabantayang internet café matapos pagbabarilin ng apat na beses sa loob ng computer shop sa Ermita, Manila, kaninang tanghali.

Kinilala ang biktimang si Dennis Magnayon, stay-in sa trabaho sa loob ng Chaters Internet sa San Marcelino, malapit sa SM Manila sa Ermita.

Base sa ulat na isinumiti kay P/Sr.Insp. Joselito “Joey” de Ocampo, hepe ng Manila Police District-Homicide Section dakong alas-11:30 ng tanghali nang maganap ang nasabing krimen sa loob ng naturang internet café.

Bago ang nasabing pamamaril, nagkaroon umano ng pagtatalo sa pagitan ng biktima at ng hindi pa nakikilalang kustomer ng computer shop.

Lumabas na nanggagalaiti ang nakaaway nitong lalaki at ilang oras pa lamang ang nakakalipas nang magbalik itong armado na ng hindi pa batid na kalibreng baril saka sumilip at iniawang lamang ng kaunti ang pintuang salamin bago pinagbabaril ng apat na beses ang biktima sa ulo at sa katawan.

Agad na tumakas ang salarin matapos ang pamamaril. Rene Crisostomo

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply