Kelot kalaboso sa panlalamas ng boobs

SHOOT sa kulungan ang isang lalaki matapos na lamasin ang dibdib ng dalagitang kapitbahay sa Caloocan City kagabi (Oktubre 12).

Kinilala naman ng pulisya ang suspek na si Roderick Catacutan, 31, ng Diamante St., Deparo, ng lungsod.

Sa ulat, dakong alas-8:00 ng gabi, nagbibihis sa loob ng kanilang bahay ang 13-anyos na biktima nang pasukin ng suspek at paglalamasin ang dibdib.

Pumalag ang dalagita na naging dahilan upang tumakas ang suspek habang nagsumbong naman ang siya sa kanyang ama.

Agad na sinamahan ng ama ang biktima sa barangay at ipinadakip ang suspek sa mga tanod.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply