Kelot na lasing hindi na nagising

PATAY ang isang lalaki matapos na hindi na magising nang matulog na lasing sa Caloocan City kaninang umaga.

Nakilala ang biktima na si Nestor Lirio, nasa hustong gulang, watch repairman ng Baltazar Bukid ng lungsod.

Sa ulat, dakong alas-9 ng umaga, may magpapagawa ng relo subalit hindi nakita si Lirio sa puwesto nito na naging dahilan upang puntahan ito sa bahay.

Nakakailang tawag na ay walang sumasagot kaya puwersahang binuksan na ang pintuan ng bahay nito at laking gulat na makitang wala nang buhay ang biktima.

Noong isang araw ay nakitang nakikipag-inuman sa mga kaibigan ang biktima sa nasabing lugar bago umuwi hanggang sa nakitang patay.

Inaalam na ng mga pulis kung ano ang ikinamatay ng biktima.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply