Kelot nakuryente habang nagnanakaw ng kuryente

NAMATAY ang isang lalaki makaraang makuryente habang nagkakabit ng iligal na kawad ng kuryente sa ilalim ng tunnel ng Guadalupe Bridge kaninang umaga sa Makati City.

Batay sa inisyal na report, ang biktima na kinilala sa pangalang Ruel Eloc, 47, ay pumasok sa ilalim ng tunnel sa Guadalupe Bridge, J.P. Rizal Extension dakong alas-8:00 ng umaga.

Ang biktima ay ikakabit sana ang kawad ng kuryente para i-tap sa dumadaloy na kuryente ng Meralco na nasa ilalaim ng tulay.

Ilang minuto ang nakalipas nakita na lamang ang bangkay ng biktima na lumulutang sa bahagi ng Ilog Pasig.

Sa kasalukuyan, masusi pang iniimbestigahan ng awtoridad ang tunay na dahilan sa pagkamatay ng biktima na sinasabing street sweeper sa Barangay Cembo. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply