Kelot patraydor na sinaksak

TODAS ang isang lalaki matapos itong patraydor na saksakin habang naglalakad kasama ang kaibigan nito Linggo ng gabi (Oktubre 9) sa Bagong Silang Caloocan City.

Dead on arrival sa Dr. Jose Rodriguez hospital sanhi ng dalawang malalim na saksak sa likuran si Domingo Foilan, 37, ng Package 7, Bagong Silang ng nasabing lungsod.

Mabilis na tumakas ang salaring si Alfie Hingabay ng nasabi ring lugar bitbit ang patalim na ginamit sa krimen.

Ayon sa ulat, dakong alas-7:30 ng gabi ng saksakin sa likuran ang biktima ng salarin.

Sinabi ng saksing si Edward Allen Mang, kasama niyang naglalakad ang biktima at kanilang nakasalubong sa daan si Hingabay at bigla itong nagbunot ng patalim at dalawang ulit sinaksak sa likuran si Foilan.

Matapos ang insidente ay mabilis na tumakas ang salarin habang ang biktima ay dinala sa nasabing pabamutan subalit hindi na umabot na buhay.

Nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang pulisya para matukoy ang tunay na motibo ng krimen habang nagpalabas ng manhunt operation ang pulisya sa agarang ikagadarakip sa nasabing salarin. Roger Panizal

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply