Kelot pinagbabaril sa daan

TODAS ang isang matandang binata matapos harangin sa daan at pagbabarilin ng malapitan ng dalawa  sa tatlong hindi pa nakikilalang salarin kaninang madaling araw sa kahabaan ng Leongson st., San Roque, Navotas City.

Dead on arrival sa Navotas Emergency Lying Clinic sanhi ng tatlong tama ng bala ng super .38 caliber ang biktimang si Arnold Cruz, 41, ng Pat. De Asis st., Brgy. San Roque ng nasabing lungsod.

Agad inatasan ni Sr. Supt. Florendo Quebuyen ang kanyang tauhan sa agarang pagkakakilanlan at pagkakadakip sa tatlong hindi pa nakikilalang suspek kung saan isa rito ay nakasuot ng kulay army fatigue t-shirt na mabilis na tumakas.

Ayon sa ulat, dakong ala-1:45 kaninang madaling araw ng maganap ang krimen sa kanto ng Leongson at Pat de Asis st., malapit lamang sa bahay ng bikima.

Nabatid na mag-isang naglalakad si Arnold at pagsapit sa nasabing kanto ay isa sa suspek ang humarang sabay nilapitan ng dalawa at agad pinaputukan ng tatlong beses sa ibat ibang parte ng katawan ang biktima.

Nakarekober ang pulisya ng tatlong empty shell ng kalibre super .38 na baril sa pinangyarihan.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad upang malaman ang tunay na motibo sa isinagawang pamamasalang ng mga salarin sa bikima. Roger Panizal

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply