Kelot pinagsasaksak ng nakaalitang utol, tigok

TODAS ang 45-anyos na lalaki matapos pagsasaksakin ng kanyang nakababatang kapatid matapos magtalo sa loob ng kanilang bahay sa Tondo, Maynila kaninang umaga.

Hindi na umabot pang buhay sa Mary Jhonston Hospital si Richar Manalang, 30, hiwalay sa asawa, walang trabaho, ng Perla St. Tondo sanhi ng saksak sa katawan.

Hinahanap naman ng pulisya ang suspek na nakababatang kapatid ng biktima na si Ryan Jay, 30, may-asawa, residente sa nabaggit na lugar, na tumakas matapos ang insidente.

Sa report ni SPO3 Paul Dennis Javier ng Manila Police District (MPD)-homicide section, dakong 9:20 ng umaga nang naganap ang insidente sa loob ng bahay ng magkapatid.

Nauna dito, nag-uusap ang dalawa hangang sa nauwi sa mainitang pagtatalo ang kanilang usapan.

Ayon sa bayaw ng biktima na si Benjie Macapagal, naghiwalay ang dalawa subalit muling nagpambuno ng kutsilyo at dito na nasaksak ng suspek ang nakatatandang kapatid.

Mabilis namang tumakas ang suspek matapos saksakin ang kanyang utol.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply