Kelot sinaksak tepok sa Tacloban

ISANG lalaki ang namatay matapos itong saksakin sa kaliwang bahagi ng dibdib habang namamalengke ng kaalitan nito sa Tacloban City.

Ang biktima na si David Solayao, 45, residente ng Barangay 42-A, Quarry District, Tacloban City ay idineklarang Dead-on-Arrival sa Eastern Visayas Regional Medical Center (EVRMC).

Nabatid na nadamay pa ang katabi ng biktima na si Eduardo Pica, 38, ng Barangay 37 sa nasabing siyudad makaraang masaksak din ng suspek. Dinala si Pica sa EVRMC at kasalukuyang nilalapatan ng lunas.

Kinilala naman ang suspek na si Darwin Solayao, 29, residente ng Barangay 71, Naga-naga, Tacloban City.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, matagal nang may hindi pagkakaunawaan ang suspek at ang biktima.

Sa ngayon ay patuloy na hinahanap ang suspek dahil kaagad itong tumakas pagkatapos ng krimen.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply