Kelot tigok, kaibigan sugatan sa boga

TIGOK ang isang lalaki habang sugatan ang kaibigan nito matapaos na harangin at pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang mga salarin habang naglalakad sa Caloocan City kaninang madaling araw.

Dead on arrival sa Jose Rodriguez Hospital sanhi ng mga tama ng bala sa katawan si Ramil Canaria, nasa hustong gulang at residente ng Phase 10, Bagong Silang ng lungsod.

Ginagamot naman sa nasabing ospital sanhi ng tama ng bala sa kaliwang hita si Jimuel De Leon, nasa hustong gulang at kalugar ng nasawi.

Sa ulat, dakong alas-3:30 ng madaling araw, naglalakad ang mga biktima sa Phase 8-B, Bagong Silang nang paputukan ng mga salarin.

Kahit may tama ay nagawang makatakbo upang makahingi ng tulong sa mga pulis si De Leon at nang balikan ang kaibigan ay nakatimbuwang na.

Inaalam na ng mga pulis ang pagkakakilanlan ng mga salarin na agad na tumakas matapos ang insidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply