Kelot tinarakan ng kutsilyo, patay

ISANG lalaki ang namatay matapos tarakan ng kutsilyo sa katawan sa hindi malamang dahilan sa bayan ng Panit-an, Capiz.

Ang biktima ay kinilalang si Gregorio Espina, 36 at residente ng Barangay Tabuc Sur sa nasabing bayan.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, nakatayo lang umano ang biktima sa harap ng kanyang bahay nang undayan ito ng saksak ni Reymund Delgado. Gamit umano ng suspek ang siyam na pulgada ng kutsilyo.

Kaagad namang tumakas si Delgado matapos pangyayari.

Dinala pa si Espina sa isang pribadong ospital sa Roxas City kung saan siya binawian ng buhay.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply