Keppel may pagkukulang sa safety measures

MALINAW na may pagkukulang ng implementasyon ng Safety Measures para sa mga manggagawa ng Keppel Subic Shipyard sa Zambales.

Ito ang mariing sinabi ngayon ni Subic Mayor Jefferson Khonghun sa pagdinig ng Senado kaugnay sa malagim na trahedya sa Subic Shipyard kung saan anim katao ang namatay.

Sa isinagawang imbestigasyon ng Senate committee on labor na pinamumunuan ni Senador Jinggoy Estrada, iginiit ng alkalde na hindi dapat hinayaan ng management ng Keppel na magkaroon ng mga tao sa ilalim ng bumagsak na stern ramp, lalo’t under repair ang rampa.

Himutok pa ni Khonghun, hindi pinayagan ng management ng Keppel na makapasok agad ang mga pulis para mag-imbestiga sa insidente gayong may mga napaulat nang namatay.

Ayon pa sa alkalde, maging siya umano ay hinarang din ng mga guwardiya nang sumugod siya sa Keppel at hindi agad pinapasok, kundi pinaghintay pa sa isang safety area nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply