Kerby Zamora napansin na ang kadakuan ng mga vaklushi!

NAPANSIN na si Kerby Zamora buhat nang lumabas siya sa “Zombadings,” ang pinaka-successful na comedy movie ngayon na isang indie film. Nakatatanggap na kasi siya ng mga indecent proposals mula sa mga mga bading. Role kasi ni Kerby sa movie ay best friend ni Martin Escudero na nang maging gay ito sa istorya, siya ang naging unang lover sa movie.

Nang nakausap namin si Kerby, may natatanggap daw siya sa Facebook na indecent proposals ng mga bading sa kanya.
Kesyo ibabahay raw siya o bibigyan ng datung. Pero hindi man lang nagalit ang young actor. Bagkus, nginitian lang niya ang proposal, tapos hindi na lang niya sinagot.

Basta sa tingin ni Kerby, bilang artista at modelo ay napapansin na siya ngayon.

Nang huli namin siyang makita, mas maganda ang hubog ng kanyang katawan kaysa roon sa movie. Slim na siya at maskulado ang dating. Pinag-gym kasi siya nang husto ng kanyang manager na si Jonas Gaffud ng Mercator.

Ayon kay Jonas, sinabihan niyang seryosohin ng kanyang alaga ang pagdyi-gym. Na maging seryoso ito sa pagpapaganda ng katawan. Mataas na ngayon si Kerby, six footer na ang height niya ngayon.

000

NANG nakausap namin si Romnick Sarmenta sa set visit ng “Iglot,” napakaseryoso na niyang kausap ngayon. Hindi ‘yun dahil sa ang role niya sa soap ay bilang pari, kundi dala na rin ng kanyang pagiging padre de pamilya sa ngayon. Aba, apat na ang anak nila ni Harlene Baustista. Anyway, dahil ang kanyang misis ay kapatid ni Mayor Herbert Bautista ng Quezon City, hindi maaalis na sabihing puwede ring pumasok sa pulitika si Harlene o si Romnick.

Pero sa pakikipag-usap namin kay Romnick, nasabi niyang kahit kailan ay hindi pumasok sa isip niya ang pulitika. Gusto lang daw niya ng tamihik na pamumuhay. Lagi rin niyang sinasabi sa kanyang asawang si Harlene na ayaw niya ng pulitika.

Pangunahing inayawan niya sa nasabing larangan ay ang security ng kanyang pamilya. Bukod pa sa iba ang intriga sa pulitika compared sa showbiz.

Mahalaga ang role ni Romnick sa soap dahil sa kanya mismo magkukumpisal si Eddie Garcia, na siya palang killer ng kanyang ama. Madrama ang eksena habang nagtatapat si Eddie sa kanyang kasalanan. Mapanonood na ito sa Iglot.

000

TOTOO pala ang tsismis na hanggang ngayon ay di pa pala kilala ni Elmo Magalona ang pinsan niyang nasa showbiz ngayon na si Hiro Magalona. Bale pinsan ng nanay ni Hiro ang ama ni Elmo na si Francis Magalona.

Bale mag-second o third cousin na sina Elmo at Hiro.

Nang nakausap namin si Hiro sa set ng Tween Hearts, nasabi niyang ang kapatid ni Elmo na si Maxene ay kilala na siya, kinakausap na siya nito kapag nagkikita sila sa GMA-7. Pero si Elmo ay di pa raw siya nakakausap man lang.

Ani Hiro:“Nahihiya naman akong lumapit sa kanya kapag naggi-guest ako sa Party Pilipinas.”

Anyway, sa ikalawang season ngayon ng Tween Hearts, pasok na muli ang love team nina Hiro at Kim Komatsu.

Sa kwento ngayong Sunday, nagsisimula nang magsuspetsa si Belinda ( Bea Binene) tungkol sa identity ng secret admirer niya. At ang kanyang natatanging clue? Ang presence ni Rick (Derrick Monasterio) sa tuwing nakakatanggap siya ng regalo!

Pero sa kanyang pagsugod kay Rick—anong katotohanan ang tatambad sa kanya?

Samantala, may gulo namang paparating sa relasyon nina Eunice at Mackenzie. Pagkatapos ipakita ni Aya kay Eunice ang photographic evidence na may ibang babae si Mac, susugurin ng dalaga ang boyfriend! Pero tama nga ba ang pagkakaintindi ni Aya sa yakap nina Mac at Kathy?

And Lucy definitely has it in for Rick! Hihingi ito ng tulong sa mga kaibigan para baguhin ang image niya for the apple of her eye. Pero nang tanggihan siya nito—isa lang ang nakikita ni Lucy na pwedeng tumulong sa kanyang pagbabago: si Angel.

000

MAPANONOOD na magkasama sa isang concert ang dalawang magaling na male singers at actors ngayon sa bansa na sina Edgar Allan Guzman at JM de Guzman sa Nov. 19 sa Zirkoh Morato, na pinamagatang  Indie Bro, The Concert. Kasama rin ang iba pang talents ng Ivory Records and Videos na sina Suy, Kristtoff Medina, Kadena at iba pa.

Nakilala si Edgar Allan Guzman sa Eat Bulaga, bilang kahuli-hulihang Mr. Pogi ng programa. Tapos, pumalaot na siya sa acting bilang isa sa mga leading men ng Daisy Siete soap noon. but in between, lumabas na rin siya sa di na mabilang na indie movies na siya ang bida. Sa huling Cinemalaya awards night, tumanggap na siya ng best actor sa film na Ligo na U…

Kasalukuyan siyang lumalabas bilang anak ni Nora Aunor sa soap na “Sa Ngalan ng Ina” na palabas tuwing gabi sa TV5.

Samantala, si JM ay na-launch recently ang album sa Ivory Records and Video. Kilala siya sa mga soap ng ABS-CBN. Bukod sa singing, may ipagmamalaking acting ability si JM.

000

NAKATUTUWA ang Pepito Manaloto last Sunday dahil may Manilyn Reynes na nanganak sa eksena. Bago mangyari ito, magtatalo sila ng asawa niya sa reality comedy show na si Michael V sa  pagbibigay ng pangalan sa kanilang bagong baby.

Habang nasa ospital si Manilyn, ang kaibigan naman ng asawa niyang si Pepito na si Patrick (John Feir) ay may pinupormahang doktora. Akala ni Patrick ang doctora ay may gusto sa kanya. Role ng doctor ang bisitang artista na si Luane Dee.

Di pala totoong type ng doktora si Patrick, akala pala nito’y pasyente siya ng ospital na may sakit na schizophrenia or split personality. Ginagawa lang palang case study si Patrick ni doktora.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply