Killers riding in motorcycles

KUNG may dapat bigyang-pansin ang awtoridad at mga magigiting nating mga pinuno ng pamahalaan, ito ang lumalalang patayan.

At take note – karaniwang gumagawa ng pagpatay ay mga armed attacker, gamit ang motorsiklo sa pag-atake at pagtakas.

Ang ganitong estilo ng pagpatay ay nauso ilang taon na rin, kasabay ng pagdami ang ibinebentang mga motorsiklo.

Sa mga balita sa media, kapag may inaambus at napapatay, ang mga salarin ay nakasakay sa isa o dalawang motorsiklo.

Ginagamit ang motorsiklo sa pagsasagawa ng mga krimen dahil madali ang pagtakas gamit ang sasakyang ito.

At kahit ang pulisya, sinasabi ng kanilang report na ang 90 porsiyento sa mga ambush ay kagagawan ng ‘killers in motorcycles.’

Napansin na ito ng kapulisan, ganundin ng mga mambabatas, subalit walang kumikilos para matugunan ang problemang ito.

Hindi natin binabalewala ang magandang dulot ng motorsiklo sa buhay natin, dahil ito’y napakakumbinyenteng transportasyon.

Sa motorsiklo, walang trapik dahil madali mo itong isingit-singit para kaagad makarating sa paroroonan, lalo’t ika’y nagmamadali.

Pero kung tinitingnan natin ang motorsiklo sa mabuting hangarin para sa atin, dapat din siguro nating tignan ang negatibong epekto nito sa lipunan.

Kung nagagamit nga natin ito nang mabuti para sa ating sarili, paano naman ang gumagamit ng sasakyan na ito sa masama – gaya ng krimen?

Kaya, ang suhestiyon natin, dapat ay magkaroon ng regulasyon, patakaran o kaya’y bagong batas na may kinalaman sa paggamit ng motorsiklo.

At yan ay maisasakatuparan sa pamamagitan ng pagtutulungan ng awtoridad at mga magigiting na kongresista at senador.

Huwag naman sana puro kita lang ang iniisip ng mga dealer. Kumilos din sila kung paano makatulong sa gobyerno sa pagsugpo ng krimen, gamit ang ibinebenta nilang mga motorsiklo.

Dahil kung hindi tayo kikilos, paano masosolusyunan ang kaliwa’t kanang ambusan, nakawan at patayan sa kalye, na ang gamit ay motorsiklo?

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply