Kilos-protesta ng PALEA sa NAIA ipinagbawal na ng korte

MARIING ipinagbawal ng hukuman sa mga miyembro ng Philippine Airlines Employees’ Association (PALEA) na magsagawa ng kilos-protesta sa loob ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 2.

Ang pagbabawal ay matapos magpalabas ng temporary restraining order (TRO) si Pasay City Regional Trial Court (RTC) Executive Judge Edwin Ramizo laban sa protesta ng nasabing grupo sa loob ng NAIA.

Ayon sa limang-pahina desisyon ni Judge Ramizo, hinahadlangan ng PALEA ang karapatan ng flag carrier na makapag-operate, partikular na sa bahagi ng In-Flight Center (IFC).

Magugunitang nagsimula ang aksyon ng mga kasapi ng PALEA noong Setyembre 27, 2011, kahit nasa kasagsagan ng bagyong Pedring.

Kaagad naman itong kinontra ng unyon sa pagsasabing inililihis lamang ng PAL at korte ang tunay na isyu kaugnay sa masaklap na sinapit ng libu-libong empleyadong tinanggal sa trabaho noong Oktubre 1, 2011.

“PAL misled the court into issuing a TRO by concealing that the protest camp at the IFC arose out of an ongoing labor dispute. Although Judge Ramizo should have also exercised prudence since the labor row is a matter of public knowledge,” wika ni Gerry Rivera, presidente ng PALEA.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply