Kinakabog ni Zoren si Cristy Fermin!

CONTRACT artist na pala si Zoren Legaspi ng TV5 kaya pala regular na siyang napanonood ngayon sa kanilang Sunday showbiz-oriented show. Sa totoo lang, isang malaking asset si Zoren sa show dahil natural ang pagiging tsismoso niya at intrigero. Among the show’s hosts, laging siya ang may pinaka-kontrobersyal na “baong” tsika na ibinabahagi sa televiewers. Aba, sa kanya lang naman nanggaling dati ang balitang awayan noon sa pagitan nina Marian Rivera at Heart Evangelista. At noong Linggo ay may bago na naman siyang pasabog regarding sa isang baby na bininyagan daw na diumano ay anak ni Manny Pacquiao.

Wala talaga siyang takot na banggitin ang pangalan ni Manny kahit pa sabihing pwede siyang i-knockdown ng Pambansang Kamao. Binanggit pa niya ang dare ni Jinkee Pacquiao na bibigyan nito ng isang mamahaling Hermes bag ang kung sino man ang makapagbibigay ng proof kung may ibang babae si Pacman.

Anyway sinangga kaagad ni Cristy Fermin ang balita na malamang ay hindi totoo ang tsika dahil sa status ni Pacman na super sikat sa buong mundo, imposible raw na maitago ang ganitong bagay nang matagal sa mata ng publiko. At dahil nga sa dare ni Jinkee ay marami tuloy ang lumalabas na infidelity kuno ni Pacman para lang makuha ang bonggang pabuya nito!

Speaking of Zoren again, hindi malayong pati si Carmina Villaroel ay maging Kapatid na rin in the future. Tulad na lang si Gelli de Belen na bumalik na ngayon sa TV5 at tinatawag na ngayong “Homecoming Queen.” Sinundan ni Gelli ang asawa nitong si Ariel Rivera na mas una nang lumipat sa TV5.

Magugunitang magkasama noon sina Gelli at Carmina sa “Tropang Turumpo” ng TV5 circa mid-1990’s.

Nandyan din ang tsikang balak na ring lumipat ni Charlene Gonzales sa TV5 kasi nga ay nandoon na rin si Aga Muhlach. Sa isang panayam kay Aga mismo sa Paparazzi last month ay ayaw pa niya itong i-confirm pero mababasa ang ngiti sa kanyang mga labi.

***

Solenn di nanonood ng TV5!

MABENTA talaga si Solenn Huessaff sa mga kalalakihan! Aba ang latest admirer niya ay ang No. 1 newscaster cutie ngayon ng bansa na si Atty. Mike Templo.

Sa isang panayam ni Cristy Fermin sa Paparazzi last Sunday ay tinanong nito si Mike kung sinong celebrity ang gusto niyang hawakan ang kaso nang libre.

At walang kagatul-gatol na si Solenn ang binanggit niyang pangalan dahil ayaw raw niya kasing may masamang mangyari kay Solenn.

Sa taping ng Bubble Gang last Monday ay hiningi namin ang reaksyon ni Solenn tungkol dito. Unang-una na raw ay hind niya kilala si Mike Templo dahil hindi raw siya nanonood ng TV5. Pero nagpapasalamat din siya nang husto kay Mike dahil may lawyer na raw siya kaagad sakaling magkaroon siya ng kaso.

Mukha namang hindi na papasa si Mike kay Solenn kasi may boyfriend na Argentinian na ang sexy actress. Matangkad pa ang BF niya at 6’3, samantalang si Mike ay 5’7 lang! Three months na pala ang relasyon nila at mas prefer raw niya ang isang karelasyon na hindi taga-showbiz. Dinenay niya na there was anything going on between her and Richard Gutierrez dati. Gimik lang daw ‘yun sa Valentine Girls movie nila noon.

***

UMABOT na ng 16 years ang Bubble Gang basically because of the unbeatable team-up nina Michael V at Ogie Alcasid. Nagko-complement ang kanilang mga talents lalo na sa mga characters na pinauso nila tulad nina Yaya at Angelina at ang latest na sina Cheche at Bureche. Maski sa Pick-Up Lines ay kitang kita ang chemistry nila bilang si Boy Pick-Up at si Katahimikan. Sa 16th anniversary presentation ng Bubble Gang ngayong gabi ay si Bitoy mismo ang nag-direk ng music video ng Pick-Up Lines kung saan gumawa pa sila ng original song para dito.

Music video ang tema ng 16th anniversary presentation ng show kaya naman may ginawa rin silang music video para sa Cheche Bureche at Wonder Boys.

Abangan din ang Anniversary gags with Mike Enriquez at Arnold Clavio. Nandyan din ang sari-saring commercial spoofs na ginawa nila through the years!

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply